^

Metro

1 pisak, 5 sugatan sa gumuhong pader

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines – Pisak ang isang cons­truction worker habang sugatan ang lima pa niyang kasama makaraang gumuho ang pundasyon ng perimeter wall sa itinatayong billboard sa isang kilalang mall sa Antipolo City kahapon ng umaga.

Kinilala ang namatay na biktima na si Allan Anthony Platado, tubong-Camarines Sur habang ginagamot sa Antipolo Medical Hospital sina Anthony Ginucor, Dexter Algullo, Jonjon Cabaro, Jeric Pabor at Crispin Bruhan­.

Nabatid mula kay Joey Marco, City Disaster Ma­nagement Officer ng na­sabing lungsod na ang insidente ay naganap dakong alas-9:30 ng umaga  nang gumuho ang perimeter wall ng ginagawang billboard sa Masinag, Marcos Highway sa Antipolo City.

 Ayon sa report, habang abala ang mga biktima sa pagkukumpuni noon, bigla na lamang gumuho ang pundasyon ng perimeter wall at nadaganan ang  mga biktima.

Pansamatalang ipinatigil ng local government ng Antipolo ang ginagawang istruktura habang patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na aksidente.

vuukle comment

ALLAN ANTHONY PLATADO

ANTHONY GINUCOR

ANTIPOLO CITY

ANTIPOLO MEDICAL HOSPITAL

CAMARINES SUR

CITY DISASTER MA

CRISPIN BRUHAN

DEXTER ALGULLO

JERIC PABOR

JOEY MARCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with