^

Metro

Personal aide ni Ramgen, idinidiin ni Genelyn

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Hiniling ng kampo ni Genelyn Magsaysay sa Parañaque City Prosecutors Office ang pagsasailalim sa preliminary investigation ng itinuturing na personal aide ng napaslang na si Ramgen Revilla.

Dakong alas-6:00 kama­kalawa ng hapon nang ihabol ng abogado ni Magsaysay na si Atty. Jeffrey Gepte ang kahilingan na isailalim sa preliminary investigation si Ronald Ancajas dahil sa itinatago nitong sama ng loob sa pamilya Revilla, partikular umano kay Ramgen.

Bukod dito, si Ancajas lamang umano ang nakaka­batid sa mga aktibidad ni Ramgen kaya’t hindi maiaalis sa ina ng nasawi na mag­hinala kay Ancajas.

Kung naniniwala aniya ang mga imbestigador na ang nangyaring pamamas­lang ay isang inside job, ito rin ang pananaw ni Genelyn bagama’t hindi siya naniniwala na may kinalaman sa krimen ang kanyang mga anak.

Magugunita na sinam­pahan ng kaso ng pulisya ang mga kapatid ni Ramgen na sina Ramon Joseph “RJ” Revilla at Maria Ramona­ Belen Bautista bilang mga utak sa krimen habang nada­dawit na rin sa kaso ang isa pa nilang kapatid na si Gail at mister nitong Hiro Furuyama ma­tapos isangkot ng biktima ring si Janelle Manahan.

Sa panig naman ni Ancajas­, tahasan niyang sinabi na mali ang inihaing kahi­lingan ng kampo ni Genelyn dahil wala siyang kinalaman sa krimen.

ANCAJAS

BELEN BAUTISTA

CITY PROSECUTORS OFFICE

GENELYN

GENELYN MAGSAYSAY

HIRO FURUYAMA

JANELLE MANAHAN

JEFFREY GEPTE

RAMGEN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with