^

Metro

Mag-utol na holdaper/rapist, timbog

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Arestado ang dalawang magkapatid na umano’y kabilang sa apat na katao na nangholdap at nang­gahasa sa isang 19-anyos na dalaga­ sa isang ba­kanteng lote sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Kinilala ni Superin­tendent Marcelino Pedrozo, hepe ng QCPD Station 4 ang mga suspect na sina Benjamine Canengneng, 23, at kapatid na si Jerome, 18, ng Old Prodon, Yakal St., Valenzuela City.

Ang isa pang suspect na kapatid din ng mga nadakip ay nakilalang si Mario, 20, at isang alyas Baba ay pinag­hahanap pa ng awtoridad.

Ayon kay Pedrozo, ang mga suspect ay natukoy ng mismong kanilang bik­timang si Valerie, hindi tunay­ na pangalan, na siyang nangholdap at umabuso sa kanya sa may bakanteng lote ng Sierra Vista Subdivision, Brgy. Nagkaisang Nayon, Nova­liches, Quezon City.

Sa salaysay ng bik­tima, naglalakad siya pauwi galing trabaho ganap na alas-2 ng madaling-araw sa Basa Compound, Brgy Nag­kaisang Nayon, Nova­liches, Quezon City, nang sumulpot ang mga suspect.

Sakay ng dalawang motor­siklo, biglang hinarang ng mga ito ang biktima sabay deklara ng holdap at kuha sa bag na naglalaman ng pera at gamit ng huli.

Hindi pa nakuntento, dinala pa ng mga suspect ang biktima sa bakanteng lote ng Sierra Vista Subdivision kung saan ito ginahasa.

Masuwerte namang nagpapatrulya ang Ba­rangay Public Safety Officers (BPSO) sa lugar at napuna ang nangyayari sa bakanteng lote at agad na sinaklolohan ang biktima.

Agad na inaresto ng BPSO si Jerome habang ang ibang kasamahan nito ay nagawang makatakas. Narekober din sa mga suspect ang dalawang motor­siklo pero ang bag ng biktima ay hindi na.

Sa patuloy na follow-up operations ay naaresto naman­ ng pulisya ganap na alas-10 ng umaga si Benjamine sa Valenzuela City.

BASA COMPOUND

BENJAMINE CANENGNENG

BRGY NAG

JEROME

MARCELINO PEDROZO

QUEZON CITY

SHY

SIERRA VISTA SUBDIVISION

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with