BJMP imomobilisa sa mga biktima ni Sendong
MANILA, Philippines - Nasa full red alert status ngayon ang buong tropa ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) hindi dahil sa alarma sa mga piitan, kundi upang makatulong sa pamamagitan ng pagtulong sa relief and rescue operation sa mga sinalanta ng bagyong Sendong sa Region 10. Agad na binuo ni BJMP Chief, Jail Director Rosendo M. Dial ang BJMP Bayanihan Project para makahanap ng suporta mula sa lahat ng BJMP unit sa buong bansa para tumulong sa mga biktima ng bagyo.
Ayon pa kay Dial, ang bawat BJMP personnel ay nagbigay ng P100 para sa mga biktima ng kalamidad bilang tugon sa panawagan ni Secretary of Interior and Local Government Jesse M. Robredo. May P1 million halaga na ang nakolekta ng BJMP simula nang gawin ang programa at inaasahang tumaas pa ito araw-araw.
Ang BJMP Regions 9, 10, 11, 12, at 13 ay inatasan na ring makiisa sa misyon sa pamamagitan ng pangungulekta ng donasyon tulad ng damit, relief goods, pagkain, tubig, at iba pang kagamitan na makakatulong sa mga biktima, sabi pa ni Dial.
- Latest
- Trending