Stampede sa mall, 5 sugatan

MANILA, Philippines - Lima katao kabilang ang dalawang bata ang nasugatan nang may pumutok at magkaroon ng stampede sa loob ng isang mall sa Caloocan City kamakalawa.

Ginamot sa Manila Central University (MCU) Hospital sanhi ng mga sugat sa katawan sina Edelisa Dagala, 41; plastic cutter; anak na si Christian, 3; Remedios Talisayon, 37, public school teacher; anak na si Jenny Joyce, 7; at Minidora Paraiso, 69, negosyante.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-2:00 ng hapon sa loob ng Victory Mall sa Monumento ng nabanggit na lungsod nang marinig ang malakas na putok na sinasabing nag-short circuit ang kuryente.

Gayunman, biglang may sumigaw na may nagpapaputok ng baril kung kaya nagkagulo ang mga tao sa mall na nauwi sa stampede.

Show comments