MANILA, Philippines - Napaslang ang isang mister matapos pagtulungang saksakin ng tatlong kalalakihan na sinasabing lango sa bawal na droga sa panibagong karahasang naganap sa madilim na bahagi ng kalsada sa Quezon City kamakalawa.
Ayon kay PO2 Rommel Mayo ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, kasalukuyang bineberipika ang pagkakakilanlan sa biktimang naka-comouflage na jacket, at basketball shorts. May taas na 5’6, at nasa edad na 30-35, maikli ang buhok.
Naganap ang krimen sa bahagi ng Ama Road sa Sitio Mendez, Barangay Baesa ganap na alas-10:30 ng gabi.
Ayon sa pulisya, sinundan ng tatlong di-kilalang kalalakihan ang biktima saka inundayan ng saksak
Kahit sugatan ay nagawa pang makatakbo ng ilang hakbang ang biktima subalit sinundan pa ng mga suspek saka muling sinaksak.