MANILA, Philippines - Isang bangkay ng isang hindi pa nakikilalang lola ang natagpuang lumulutang sa isang palaisdaan sa Malabon City kahapon ng umaga.
Tinatayang nasa edad 60 hanggang 65-anyos ang biktima na nakasuot ng gray na short pants, puting t-shirt at jacket na asul.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng Malabon City Police, alas-2:40 ng umaga nang makita ng caretaker na si Eddie Besanes, 33, na palutang-lutang ang bangkay ng biktima sa binabantayan nitong palaisdaan sa Rodriguez 2, Merville Subdivsion, Brgy. Dampalit ng nabanggit na lungsod.
Nabatid na huling nakitang buhay ang biktima alas-2 ng umaga na nakaupo sa tabi ng tinutuluyan ni Besanes sa nasabing palaisdaan.