^

Metro

400 kilo ng frozen meat, nasamsam ng NMIS-DA

- Angie dela Cruz, Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Sinamsam ng mga elemento ng National Meat Inspection Commission (NMIS) ng Dept. of Agriculture ang may 400 kilo ng frozen meat sa Bicutan Market sa Taguig.

Ito ayon kay Dr. Fernando Lontoc, head ng NMIS ay iba pa sa 100 kilo ng frozen meat na nasamsam ng kanyang mga tauhan sa Commonwealth market sa nabanggit na lungsod.

Sinabi ni Lontoc na bawal itinda ang frozen meat sa mga palengke dahil nakatiwangwang lamang ito sa mga palengke kaya’t maaaring makontamina ito ng mga bacteria at iba pang virus na makakaapekto sa kalusugan ng taong kakain nito.

Nakikipag-usap na rin anya siya kay Customs Commis­sioner Ruffy Biazon na kung maaari ay tulungan silang imo­nitor ang pagpasok ng mga frozen meat upang maiwasan din ang pagpupuslit nito.

BICUTAN MARKET

CUSTOMS COMMIS

DR. FERNANDO LONTOC

LONTOC

NAKIKIPAG

NATIONAL MEAT INSPECTION COMMISSION

RUFFY BIAZON

SINABI

SINAMSAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with