MANILA, Philippines - Parurusahan ng Civil Service Commission (CSC) ang mga empleyado ng gobyerno na mapapatunayang tumatanggap ng regalo kapalit ng kanilang serbisyo ngayong Kapaskuhan laluna kung ito ay mula sa kanilang kliyente, supplier at contractors.
Ayon kay CSC chair Francisco Duque, maituturing itong panunuhol at posibleng maharap sa paglabag sa Republic Act No. 6713, o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees ang tatanggap ng regalo.
Sa ilalim din nito, mahigpit na pinagbabawal ang pag-solicit o pagtanggap ng regalo, pabor, loans o anumang bagay na may kinalaman sa pera kapalit ang kanilang serbisyo.
Maaari namang tanggapin ng mga empleyado ang mga regalong galing sa kanilang pamilya, o sa mga taong wala naman kinalaman sa kanyang trabaho o sa mga private organizations na may layunin na tumulong sa tao.