^

Metro

Tatanggap ng regalo ngayong Pasko sibak!

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Parurusahan ng Civil Service Commission (CSC) ang mga empleyado ng gobyerno na mapapatunayang tumatanggap ng regalo kapalit ng kanilang serbisyo ngayong Kapaskuhan laluna kung ito ay mula sa kanilang kliyente, supplier at contractors.

Ayon kay CSC chair Francisco Duque, maituturing itong panunuhol at posibleng maharap sa  paglabag sa Republic Act No. 6713, o ang  Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees ang tatanggap ng regalo.

Sa ilalim din nito,  mahigpit na pinagbabawal ang pag-solicit o pagtanggap ng regalo, pabor, loans o anumang bagay na may kinalaman sa pera kapalit ang kanilang serbisyo.

Maaari namang tanggapin ng mga empleyado ang mga regalong galing sa kanilang pamilya, o sa mga taong wala naman kinalaman sa kanyang trabaho o sa mga private organizations na may layunin na tumulong sa tao.

AYON

CIVIL SERVICE COMMISSION

CODE OF CONDUCT AND ETHICAL STANDARDS

FRANCISCO DUQUE

KAPASKUHAN

MAAARI

PARURUSAHAN

PUBLIC OFFICIALS AND EMPLOYEES

REPUBLIC ACT NO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with