Pulis na magpapaputok ng baril kakalusin - PNP Chief
MANILA, Philippines - Binalaan kahapon ni PNP Chief Director General Nicanor Bartolome na mananagot sa batas at parurusahan ang mga pulis, sukdulang sibakin pa ang mga ito sa serbisyo kapag napatunayang nagpaputok ng baril sa pagsalubong sa Bagong Taon.
“I am forewarning against indiscriminate firing of firearms, especially during the yuletide and New Year celebrations as the full force of the law will be dealt to violators,” mariing babala at paalala sa may 140,000 malakas na puwersa ng PNP ni Bartolome.
Kasabay nito, idineklara naman ni Bartolome ang Camp Crame bilang “no firecracker zone’ kaugnay sa pagtalima sa ‘Oplan Iwas Paputok’ ng pamahalaan sa target na ‘zero casualties ‘ sa pagsalubong sa pagpapalit ng taon.
Sa ibinabang direktiba ng PNP chief kahapon, iniutos nito na ilagay sa ‘silence mode’ ang baril ng mga pulis bago ang Pasko at maging sa tradisyunal na selebrasyon ng Bagong Taon.
Ayon kay Bartolome na pangungunahan niya mismo ang pagseselyo sa dulo ng baril ng mga pulis sa Camp Crame upang maiwasan na makabiktima ito ng mga inosenteng sibilyan.
- Latest
- Trending