Dagdag pasahe, bubusisiin ng LTFRB

MANILA, Philippines - Bubusisiin bukas, araw ng Huwebes ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang tungkol sa hirit na dagdag pasahe ng Provincial Bus Operators Association of the Philippines (PBOAP) para sa fare hike sa mga provincial buses nationwide.

Ayon kay LTFRB board member Manuel Iway, mula sa P9.00 minimum fare sa ordinary bus, nais ng samahan na gawing P12.00 ang pamasahe sa unang limang kilometro at mula sa P1.40 para sa succeeding kilometer ay nais ng grupo na gawin itong P1.70

Sa airconditioned buses naman, mula sa P35 na minimum fare sa unang 26 kilometers, inihihirit itong gawing P50 habang mula sa P1.60 para sa succeeding kilometer ay nais nila itong gawing P1.90

Sa deluxe provincial buses naman, mula sa P1.70 na dagdag sa su­sunod na bawat kilo­metro, nais nila itong itaas sa P2.00 habang ang super de luxe buses naman na mula sa P1.80 ay nais nila itong gawing P2.10.

Ayon kay Iway, humihirit naman ang luxury buses na gawing P2.55 ang dagdag pasahe sa susunod na bawat­ kilometro mula sa P2.55.

Pagtitiyak ni Iway, bagamat nakatakda na sa Huwebes ang deliberasyon hinggil dito, makahihinga pa ng maluwag ang publiko ngayong panahon ng Kapaskuhan dahil wala silang aaprubahang fare increase hanggang ma­tapos ang taong ito.

Show comments