Kelot na inaresto, nagbigti sa selda

MANILA, Philippines - Isang 31-anyos na lalaki na dinakip matapos ireklamo ng pambubugbog ng kanyang live-in partner ang nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbibigti sa loob mismo ng seldang pinagkulungan dito kahapon ng hapon sa Caloocan City.

Dead-on-arrival sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center si Adrian Dizon, ng Villa Maria, Sangandaan ng nabanggit na lungsod.

Sa report ng Caloocan City Police, dakong ala-1:00 ng hapon nang damputin ng mga pulis si Dizon dahil sa pambubugbog sa ka-live-in na ayaw ipabanggit ang pangalan sa nasabing lugar.

Dinala sa detention cell ng Station Investigation Division, Caloocan City Police si Dizon, subalit makalipas ang kalahating oras ay nakita na lamang itong nakabigti sa loob ng selda na ang ginamit ay ang pinagdugtong na tuwalya at suot na puting t-shirt.

Agad itong isinugod sa ospital subalit hindi na rin umabot­ pang buhay.

Inaalam na ng mga pulis kung may naganap na foul play sa insidente at ang posibleng dahilan ng biktima sa pagpapatiwakal.

Show comments