^

Metro

PUP president iniutos na lisanin ang puwesto

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Ipinawalang-bisa ng Court of Appeals (CA) ang kautusan ng Manila Regional Trial Court Branch 26 na nagbigay daan sa pananatili sa puwesto ng kasalukuyang Polytechnic University of the Philippines (PUP) president Dante Guevarra.

Nangangahulugan ito na maaari na siyang patalsikin sa pwesto, batay sa 15-pahinang desisyon ng CA 14th Division,sa panulat ni Associate Justice Mario Lopez, na nagbasura sa writ of preliminary injunction na inisyu ni Judge Silvino Pampilo, na pumabor kay Guevarra sa hiling na pigilan ang Board of Regents (BOR) na palitan siya.

Samantala, hindi naman niresolba ng CA ang substantive issues sa kinukuwestiyong kung ang PUP-BOR ay nakatugon sa RA 8292 at Implementing Rules and Regulation sa evaluation ng eligibility ni Guevarra sa reappointment.

Ani pa ng CA, sa kasong ito ay nakagawa ng ‘grave abuse of discretion amounting to lack of excess of jurisdiction’ ang mababang korte sa pag-iisyu nito ng writ kay Guevarra sa kabila ng kabiguang magpakita ng malinaw na batayan ng kaniyang karapatan para manatili pa bilang PUP president.

Petisyuner sa kasong ito ang PUP-BOR na humiling naman sa CA na pigilan ang kautusan ni Judge Pampilo.

ASSOCIATE JUSTICE MARIO LOPEZ

BOARD OF REGENTS

COURT OF APPEALS

DANTE GUEVARRA

GUEVARRA

IMPLEMENTING RULES AND REGULATION

JUDGE PAMPILO

JUDGE SILVINO PAMPILO

MANILA REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with