^

Metro

Manhunt vs 3 takas na Chinese pinaigting

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Isang malawakang man­hunt operations ang isinagawa ngayon ng Parañaque City Police laban sa tatlong Chinese national na pumuga sa Parañaque City Jail gayun­din ang paghahanap sa nagtatagong tauhan ng Bureau of Jail Management and Pe­nology­­ (BJMP) na nagpatakas sa mga ito nitong nakaraang Sabado.

Ayon kay Parañaque PNP chief, Sr. Supt. Billy Beltran, ipinakalat na nila ang mga la­rawan ng tatlong Chinese national na sina Chan Tong Lou, Cheung Wai Leung at Long Zong na pawang nahaharap sa kaso sa iligal na droga.

Isang manhunt na rin ang inilunsad para madakip si Jail Officer 1 Richard Sillatoc na nakita sa “closed circuit tele­vision (CCTV) camera” ng bi­langguan na nag-escort sa tatlong presong dayuhan pa­labas ng kanilang selda.

Nabatid na unang pinakain ni Sillatoc ng bulalo ang limang kasamahang jail officers na nakaramdam ng pagkahilo at pagsusuka. Dito sinamantala umano ni Sillatoc ang pagkakataon sa pagpapatakas sa tatlong dayuhang Tsino.

Sa likurang bahagi umano ng city jail pinadaan ni Sillatoc ang mga pinatakas niyang dayuhan at mula noon ay hindi na rin siya pumasok at tuluyan ng nagtago.

Inalerto naman ng Bureau of Immigration ang mga paliparan at daungan upang hindi makalabas ng bansa ang mga dayuhan.

BILLY BELTRAN

BUREAU OF IMMIGRATION

CHAN TONG LOU

CHEUNG WAI LEUNG

CITY JAIL

CITY POLICE

SHY

SILLATOC

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with