Trader utas sa ambush

MANILA, Philippines - Patay ang isang 39-anyos na negos­yante nang barilin ito sa mata ng dalawang kalalakihan kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Lawrence­ Segul, ng Tambakan St., Maypajo ng nabanggit na siyudad.

Samantala, inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan sa mga suspek at nagsasagawa pa ng follow-up laban dito.

Sa inisyal na report ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-9:00 ng gabi malapit sa bahay ng biktima.

Naglalakad umano ang biktima nang biglang sumulpot ang dalawang suspek na armado ng baril at walang sabi-sabing pinaputukan ang una na tinamaan sa mata na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Nagsasagawa pa ng malalimang imbes­tigasyon ang pulisya hinggil sa insidente.

Show comments