^

Metro

Ecstacy naka-capsule form na - PDEA

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Ang mga ibinibentang iligal na droga na ecstasy sa mga mayayamang kabataan ay nakalagay na sa pormang kapsula hindi tulad ng nakagawiang nasa tableta, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ayon kay PDEA director general Jose Gutierrez Jr., ang ganitong kalakaran ay ka­nilang nalaman matapos na maaresto ang tatlong kala­lakihan na nagbebenta ng ecstacy sa isinagawang buy-bust operation sa Vic Arnaiz St., Makati city, ganap na alas-9 kamakailan.

Kinilala ang mga nada­kip na suspects na sina Yuri Derain-Minagawa, Filipino-Chinese, 24; Quintin Fer­nandez, 31; at Christian Niño de Leon, 31. Nakuha sa kanila ang 10 piraso ng ecstacy na naka-capsule.

Ayon kay Gutierrez, ang nakumpiskang ecstasy sa mga suspect ay may pagkaka­iba sa karaniwang tableta na nagpa­pakita lamang anya na ang mga drug persona­li­ties ay nagi­ging mapaglikha sa paggawa ng droga­ para makaiwas sa pagtugis. 

Ang pangunahing merkado umano ng ecstacy ay mga mayayamang ka­bataan at mga kabataang professionals. Ibi­nibenta ang nasabing droga sa halagang P1,000 kada piraso.

AYON

CHRISTIAN NI

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

FILIPINO-CHINESE

JOSE GUTIERREZ JR.

QUINTIN FER

SHY

VIC ARNAIZ ST.

YURI DERAIN-MINAGAWA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with