^

Metro

Pamilya ng Maguindanao massacre humahabol sa 'forfeiture' case vs Ampatuan

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Hiniling kahapon ng mga pamilya ng biktima ng Maguindanao massacre incident sa Manila Regional Trial Court na maging isa sa “party” sa isinampang forfeiture case ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) laban sa mga Ampatuan.       

Kabilang sa naghain ng “instant Petition-in-Intervention” sa sala ni Manila RTC branch 22 Executive Judge Marino M. Dela Cruz, Jr. sina Catherine Nuñez, Juliet Palor Evardo, Ma. Cipriana Gatchalian, at Editha Mirandilla Tiamzon kung saan binanggit ng mga ito na nararapat sa reparations bilang mga biktima ng umano’y “horrendous human rights violations.”

Kasabay nito, hiniling din ng mga petitioners sa korte na itabi ang P1 bilyon halaga ng mga asset ng Ampatuan para sa mga biktima ng massacre na sentro sa forfeiture proceedings.

Ang nabanggit na halaga ay sapat umanong tugon para sa kanilang claims sa danyos dahil sa pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay.

Ang kaso namang multiple murder ay dinidinig ngayon sa sala ni Quezon City court Judge Jocelyn Solis-Reyes.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ,nag- isyu ang Court of Appeals ng anim na buwan freeze order para sa 597 bank accounts, 142 firearms, 132 motor vehicles at 113 houses and lots na nasa pangalan ng 27 miyembro ng pamilya Ampatuan at kanilang mga kaibigan.

Iginiit ng mga naiwan ng biktima ng masaker na dapat silang payagan na maging partido sa naturang civil suit dahil sila ang naagrabyado.

AMPATUAN

ANTI-MONEY LAUNDERING COUNCIL

CATHERINE NU

CIPRIANA GATCHALIAN

COURT OF APPEALS

DELA CRUZ

EDITHA MIRANDILLA TIAMZON

EXECUTIVE JUDGE MARINO M

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with