^

Metro

2 opisyal ng NBI, sinibak dahil sa kotong

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Sinibak sa posisyon ang dalawang opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa ulat na nangikil sila ng ma­laking halaga sa nagpakilalang foster family ng isang Haponesa na dinakip nila dahil sa pagiging illegal alien. Nabatid na noong Lunes pa ay iniutos na ni NBI Director Magtanggol Gatdula ang utos na pagsibak kay Security Management Division (SMD) chief Mario Garcia at kaniyang executive officer na si Jose Odellon Cabillan. Nagtalaga na rin ng kapalit si Gatdula para sa posisyon ni Garcia. Si NBI Research Analysis Division head agent Arnold Lazaro ang kapalit niya. Inatasan na rin ni Gatdula si NBI Deputy Director for Administrative Services Rickson Chiong na imbestigahan ang dalawa hinggil sa napaulat at reklamong idinulog sa Department of Justice (DOJ) ng pamilya Marzan, kabilang ang isang “Marife Marzan” na hiningan sila ng P100-milyon, na ibinaba umano sa P15-milyon, para palayain si Noriyo Ohara, 32, Japanese national, na inaresto sa lalawigan ng Pangasinan noong Oktubre 29. Ikinatwiran ng pamilya Marzan na nagtungo sa bansa si Ohara dahil tinakasan nito ang grupo ng yakuza sa Japan na gustong pumatay dito, na siya ding pumatay sa ama ni Ohara.

ADMINISTRATIVE SERVICES RICKSON CHIONG

ARNOLD LAZARO

DEPARTMENT OF JUSTICE

DEPUTY DIRECTOR

DIRECTOR MAGTANGGOL GATDULA

GATDULA

JOSE ODELLON CABILLAN

MARIFE MARZAN

MARIO GARCIA

MARZAN

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with