^

Metro

2 rider tinaga ng amok: 1 patay, 1 sugatan

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Dahil sa pagka-paranoid at inakala na lahat ng mga naka-motorsiklo ay sinusundan siya, isang lalaki ang nag-amok at walang habas na nanaga ng dalawang lalaking naka­­-motorsiklo na ikinamatay ng isa sa mga huli sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Kinilala ni PO3 Roland Belgica ng Quezon City Police District ang suspect na si Procopio Endriga, 36.

Isinalarawan ni Belgica ang suspect na tila may problema sa pag-iisip dahil sa sinasabi nitong natatakot siya sa kanyang buhay dahil sinusundan umano siya ng mga taong nakasakay sa motorsiklo.

Nakilala naman ang nasawi sa pamamagitan ng identification card na si Bonifacio Morta, habang ang sugatan naman ay si Angelito Capaliz, 29, ng Brgy. Batasan Hills sa lungsod.

Nabatid na si Endriga ay dating construction worker at kalaunan ay naging pagala-gala sa kalsada ng Cubao, lalo na sa kahabaan ng New York St. Natutulog na rin ang suspect sa mga bus terminals at naghahanap ng pagkain sa mga basurahan.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente sa harap ng Maynilad Office na matatagpuan sa EDSA corner Monte de Piedad St., Cubao ganap na alas-9:15 ng umaga.

Diumano, kapaparada lamang ni Morta sa kanyang motor­siklo sa lugar at pagkaalis ng kanyang helmet ay biglang inatake ito ng taga ng suspect sa ulo at katawan.

Matapos ang pananaga ay agad na sumibat papalayo ang suspect, pero hindi kalayuan ay nakita naman nito si Calapiz na sakay din ng motorsiklo at hinabol ng taga sa likod at balikat, bago tuluyang tumakbo papalayo.

Samantala, si Endriga ay nagtungo naman sa isang tindahan ng dental supply sa may Maryland at Denver St. at kusang sumuko matapos na magsipagdatingan ang mga rumispondeng pulis.

ANGELITO CAPALIZ

BATASAN HILLS

BONIFACIO MORTA

CUBAO

DENVER ST.

ENDRIGA

MAYNILAD OFFICE

NEW YORK ST. NATUTULOG

PIEDAD ST.

PROCOPIO ENDRIGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with