^

Metro

Gasolina muling tumaas

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Muli na namang umakyat ang presyo ng gasolina sa bansa makaraang magpatupad ng price increase ang ilang kompanya ng langis dulot umano ng mas mataas na presyo nito sa internasyunal na merkado dahil sa paglamig ng panahon.

Dakong alas-12 kama­kalawa ng hatinggabi nang magpatupad ng pagtataas ang Pilipinas Shell at Chevron Philippines ng P.80 sentimos pagtataas sa kada litro ng premium at unleaded na gasolina at P.85 sentimos sa kada litro ng regular na gasolina.

Hindi naman ginalaw ng dalawang kompanya ang presyo ng kanilang diesel na gamit ng mga pampublikong sasakyan habang ibinaba naman ng P.30 sentimos ang kada litro ng kerosene.

Aprubado naman sa Department of Energy (DOE) ang naturang pagtataas matapos na unang magbabala ang ahensya ng nakatakdang price increase. Sinabi ni Energy Undersecretary Jose Layug na tumaas kasi ang presyo ng kontrata ng gasolina sa internasyunal na pamilihan na karaniwan na tuwing dumaranas ng tag-lamig.

Ito’y dahil sa komukonsumo ng mas mataas na antas ng langis ang mga bansang may winter para sa kanilang heater at iba pang mga kasangkapan.

Inaasahan naman na susunod sa paggalaw ng presyo ng langis ang isa sa Big 3 na Petron­ Corp. at mga small players­ sa bansa.

APRUBADO

CHEVRON PHILIPPINES

DAKONG

DEPARTMENT OF ENERGY

ENERGY UNDERSECRETARY JOSE LAYUG

INAASAHAN

MULI

PETRON

PILIPINAS SHELL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with