^

Metro

Mascot parade sa Luneta

-

MANILA, Philippines - Magsasama-sama at nakatakdang makihalubilo sa publiko ngayon sa Rizal Park ang hindi bababa sa 50 bilang ng mga mascot na paparada sa 1st Rizal Park Mascots on Parade.

Ito ang inihayag ni National Parks Development Committee (NPDC) Executive Director Juliet Villegas kasabay nang pagsasabing ang naturang proyekto ay inihanda ng pamunuan bilang isa sa mga pangunahing aktibidad o events hatid para sa publiko partikular sa mga kabataan ngayong buwan ng Disyembre o Christmas season. Bukod sa makukulay at naglalakihang mascots buhat sa iba’t ibang cartoon character at sikat na brand o product mascot sa bansa, maaari ring makisaya ang mga ‘tsikiting’ sa inihandang magical show, bubble show, balloon twisting, storytelling, face painting, raffle draw, kung saan maaaring manalo ng gift packs at ang libreng pagpapakuha kasama ng mga mascots.

Ang naturang programa ay magsisimula sa ganap na alas-2 ng hapon habang ang mascots parade ay magsisimula sa ganap na alas-4 ng hapon. Hinikayat ng nabanggit na opisyal ang publiko na gamitin ang naturang event bilang isa sa makabuluhang bonding ng bawat miyembro ng pamilya.

Ang 1st Rizal Park Mascots on Parade ay isa lamang sa mga nakalinyang pang event sa Rizal Park ngayong buwan ng Disyembre.

BUKOD

DISYEMBRE

EXECUTIVE DIRECTOR JULIET VILLEGAS

HINIKAYAT

MAGSASAMA

NATIONAL PARKS DEVELOPMENT COMMITTEE

RIZAL PARK

RIZAL PARK MASCOTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with