^

Metro

Lolo lunod sa ilog

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Natagpuang lumulutang ang bangkay ng isang 64- anyos na lolo  na sinasabing inanod  ng  malakas na agos ng tubig sa Dario river sa Brgy. Apolonio Samson, Bahay Toro  kamakalawa ng gabi sa Quezon City. Kinilala ang biktima na si Rolando Terasa, jeepney driver at residente ng Sitio Militar, Brgy. Bahay Toro, Quezon City. Nang maiahon mula sa ilog ay kinakitaan ng sugat sa ulo ang biktima. Ito ay positibong  kinilala ng kanyang ka­patid na si Romarico, ba­rangay tanod sa lugar. Bandang alas 6:30 ng uma­ga kahapon ng matagpuan ang bangkay ng biktima na lumu­lutang  sa naturang ilog. Huling nakitang buhay ang biktima  bandang alas-5:30 ng hapon noong Biyernes na kinukumpuni ang tulay na kahoy sa creek ng Sitio Militar sa tapat ng kanyang bahay habang nasa kasagsagan ng pag-ulan kamakalawa ng hapon. Dahil umano sa lakas ng agos  ng tubig sa naturang ilog ay natangay  ng biktima at inanod.

vuukle comment

APOLONIO SAMSON

BAHAY TORO

BANDANG

BIYERNES

BRGY

DAHIL

QUEZON CITY

ROLANDO TERASA

SITIO MILITAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with