MANILA, Philippines - Lima katao kabilang ang isang babae ang inaresto ng pulisya dahil sa pagbebenta ng mga ito nang ipinagbabawal na isdang “Piranha” kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Nakilala ang mga suspect na sina Gary Reynold Alcantara, 28, negosyante; James Jomel Gabriel, 33; Karl Frederick Felizardo, 25; Rodrigo Luciano, 27; at Joan May Tobias, 28, pawang mga taga-Cainta at Taytay Rizal.
Dakong alas-11:00 ng gabi nang masakote ang mga suspek sa Caimito St. Brgy. 79, Caloocan City matapos na makatanggap ang mga pulis ng impormasyon hinggil sa ilegal na pagbebenta ng mga suspek ng ipinagbabawal na isda na naging dahilan upang magsagawa ng operation ang mga ito kasama ang mga kagawad ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Nakumpiska sa mga suspek ang tatlong transparent plastic bag na naglalaman ng 60 pirasong Piranha Fingerlings, na naging dahilan upang bitbitin ang mga ito sa presinto ng mga pulis.