MANILA, Philippines - Dahil sa masangsang na amoy, nadiskubre ng kapwa okupante ang bangkay ng isang 51 anyos na Taiwanese sa loob ng kanyang silid sa Binondo, Maynila, kamakalawa ng umaga.
Nakilala ang biktima na si Nancy Chin Lee, nanunuluyan sa Room 226 ng Wellington Building, Condesa St., Binondo, Maynila na nadiskubreng patay dakong alas-10 ng umaga kamakalawa.
Base sa impormasyong nakuha ng pulisya, matagal nang may kanser sa obaryo ang biktima. Matagal na rin umanong naninirahan ito sa Pilipinas.