^

Metro

Pangongotong sa mga barkers at terminals, kinumpirma

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Kinumpirma ng isang he­neral na tumatayong traffic consultant sa Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) na ginagawang gatasan at kinukunsinti ng mga tiwaling traffic enforcers ang mga barker na nangi­ngikil naman sa mga pampasaherong bus sanhi ng matin­ding pagbubuhol ng trapiko.

Ito ang inamin ni ret. Ge­neral Maximo Dilla, supervising consultant sa Commonwealth Special Traffic District (CSTD) makaraang lumabas ang reklamo ng ilan niyang traffic enforcers na nagpetisyon na mapatalsik ito sa MMDA dahil sa umano’y pagmamalabis sa tungkulin at pananakit.

Sinabi ni Dilla na pinangunahan ang naturang petisyon ni TA Jerome Bolivar, ang kanyang deputy district traffic officer sa CSTD. Nais umano siyang mapatalsik ni Bolivar dahil sa ginagawa niyang reporma sa mga traffic enforcers at pagsugpo sa malawakang korapsyon at kapabayaan sa trabaho.

Sinabi nito sa kanyang ipinadalang affidavit sa mga mamamahayag na ilang beses na niyang pinagpapaliwanag si Bolivar sa mga problema sa Commonwealth Avenue. Bigo umano ito na malinis ang mga loading bays sa Ever Gotesco at Don Antonio­ na nangingikil sa mga pampasaherong bus at jeep na siya namang kinoko­tongan ng mga enforcers.

Pinagpapaliwanag din niya si Bolivar sa kabiguan na maglagay ng “rubber cone o plastic barrier” sa Zuzuarigue, Commonwealth na sanhi ng matinding buhol na trapiko at palagiang pagkabigo na magsumite ng attendance report ng mga traffic en­forcers.

COMMONWEALTH AVENUE

COMMONWEALTH SPECIAL TRAFFIC DISTRICT

DON ANTONIO

EVER GOTESCO

JEROME BOLIVAR

MAXIMO DILLA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHO

SHY

SINABI

TRAFFIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with