^

Metro

e-Dalaw sa mga preso pinalawak ng BJMP

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Upang maramdaman ng lahat ng mga preso sa lahat ng piitan ang kasayahan sa pagdiriwang ng Pasko, muling bubuksan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang e-Dalaw System sa Manila City jail, ngayong araw na ito.

Ang nasabing programa ay nauna nang ginawa sa Quezon City jail noong Oktubre kung saan marami sa mga preso rito ang nabigyan ng pagkakataong makausap nila ang mahal nila sa buhay na malalayo at hindi nakakadalaw.

Sa pamamagitan ng e-Dalaw kung saan gumagamit ng computer internet video call ay nagagawang makausap at makita ng mga preso ang kanilang mga kaanak at pamilya sa ating bansa o sa ibang bansa.

Sa ngayon, pinalawig ng BJMP ang proyekto sa mala­laking bilangguan sa Metro Manila at susundan na rin nila ito sa Visayas at Mindanao katuwang ang Office of the Secretary General.

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

DALAW

DALAW SYSTEM

MANILA CITY

METRO MANILA

MINDANAO

OFFICE OF THE SECRETARY GENERAL

OKTUBRE

PASKO

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with