MANILA, Philippines - Isang fetus na pinabaunan pa ng rosaryo ang natagpuan sa gilid ng kalsada sa Sta. Mesa, Maynila, kahapon ng umaga.
Tinatayang nasa 3 hanggang 4 na buwan ang lalaking fetus na nakasilid sa isang plastic.
Dakong alas -7:00 ng umaga nang pulutin ng isang Aurelio Climaco, basurero, ang plastic dahil sa inaakalang naglalaman ng mapakikinabangan na nakatambak sa Anonas St, sa Sta. Mesa, Maynila.
Nagulat siyang fetus ang laman na may katabi pang rosaryo kaya ipinabatid sa awtoridad.