^

Metro

22-anyos patay sa suntok ng pulis

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Isang manhunt operation ngayon ang isinasagawa ng Manila Police District (MPD) laban sa kanilang kabaro na umano’y nakapatay sa isang 22-anyos na pedicab driver na sumita sa pag-ihi ng pulis sa Quiapo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Si PO1 Gabriel Mandap, ng MPD-Station 10 (Pandacan) at residente ng Tondo, Maynila ay sinasabing responsable sa pagkamatay ni Sonny Boy Pantoja, ng Quiapo, Maynila. Idineklara itong dead-on-arrival sa Jose Reyes Memorial Hospital.

Sa report ni Det. Alfonzo Layugan ng MPD-Homicide Section, dakong alas-8:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa harapan ng Quinta Market sa Palanca St., Quiapo, Manila.

Nag-iinuman ang biktima kasama ang kaibigang si Arnold Managbanag sa harapan ng nasabing palengke nang lumapit ang suspect at umihi sa isang manhole malapit sa kanilang iniinuman.

Nabatid na galing naman ang suspect sa isang inuman sa binyagan malapit sa nasabing palengke nang makaramdam ng tawag ng kalikasan at umihi sa nasabing lugar.

Sinabihan umano ng biktima ang suspect na bawal ang umihi kung saan-saan lugar na ikinagalit naman ng pulis at walang sabi-sabing sinuntok ang biktima na bumagsak sa semento. 

Ayon  kay Sr. Insp. Joey de Ocampo, hepe ng MPD-Homicide section, nagtago at hindi na nag-report sa kanyang duty si Mandap.

ALFONZO LAYUGAN

ARNOLD MANAGBANAG

GABRIEL MANDAP

HOMICIDE SECTION

JOSE REYES MEMORIAL HOSPITAL

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

PALANCA ST.

QUINTA MARKET

SONNY BOY PANTOJA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with