Radio equipment vs krimen
MANILA, Philippines - Upang mas maging epektibo ang monitoring ng mga opisyal, tinanggap ni Manila Mayor Alfredo S. Lim mula sa ilang mga barangay chairman ang donasyong radio equipments.
Kasabay nito, agad na ibinigay ni Lim sa executive director ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Council na si city administrator Jay Marzan at barangay bureau director Atty. Annalyn Buan, ang mga radio equipments mula kina chairwoman Thelma Lim at chairmen na sina Feliciano Ayroso, Narciso Tan, Rudy Medina, Anthony Gonzalo, Richard Gaw at John Que.
Nabatid na hiniling ni Marzan ang radio equipments para magamit ng MDRRMC sa monitoring at response operations sa panahon ng sakuna at emergency.
Ayon kay Lim, malaking tulong ang mga radio equipments na ibinigay ng mga barangay executives dahil mas magiging madali ang komunikasyon at pagbibigay ng tulong lalo na sa panahon ng kalamidad.
Idinagdag pa ni Lim na hindi matatawaran ang ipinakitang volunteerism ng mga barangay executives para sa kapakanan ng mga Manilenyo.
- Latest
- Trending