2 buwang buntis, natagpuang patay

MANILA, Philippines - Isang ina na umano’y da­lawang buwang buntis ang natagpuang walang buhay habang nakahan­dusay at bu­mubula ang bibig sa hindi pa mabatid na kadahilanan sa lungsod Quezon kaha­pon ng umaga.

Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, nakilala ang biktima na si Jardiolyn Javita Castor, 39, ng Sitio Cabuyao, Brgy. Sauyo sa lungsod.

Ayon kay SPO2 Jimmy Jimena, may hawak ng kaso, ang biktima ay natagpuan na lamang walang buhay ng kanyang bayaw na si Roxan De­paur, habang nakahiga at bumubula ang bibig ganap na alas 7 ng umaga.

Sinasabing gigisingin sana ni Depaur ang biktima para pumasok sa trabaho bilang mananahi, pero naabutan na lang ng una ang huli sa nasabing sitwasyon.

Napag-alaman ng awto­ridad na ang asawa ng biktima ay nasa Cavite dahil dumalo sa piyesta at naiwan ang biktima sa kanilang bahay.

Patuloy ang pagsisiya­sat ng awtoridad upang ma­tukoy ang sanhi ng pagkamatay ng biktima.

Show comments