^

Metro

Iwas paputok ng DOH, ilulunsad sa Maynila

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Ilulunsad ng pamahalaang lungsod ng Maynila kasama ang Department of Health (DOH) ang mga paraan upang maiwasan ang anumang aksidente sa pagpapaputok bilang bahagi ng tradisyunal na pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon kay City Admi­nistrator Jesus Mari Marzan, pormal na ilulunsad sa Disyembre 6 ang “Aksyon: Paputok Injury Reduction”(APIR) o (Give me five) na naglalayong bigyan ng proteksiyon ang publiko sa pagpapaputok.

Sinabi ni Marzan na dapat na magkaroon lamang ng itatalagang lugar kung saan maaaring magpaputok.

Ito’y upang maiwasan ang insidente ng sunog at disgrasya sa mga nagpapaputok.

Pinaalalahanan din ni Marzan ang mga nagti­tinda ng paputok na tanging ang Department of Trade and Industry lamang ang siyang may karapatang magdetermina kung anong mga paputok ang dapat na ibenta sa merkado. Ito ay sinisiguradong ligtas.

Giit pa ni Marzan, mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta ng mga malalakas na paputok tulad ng bawang, pla-pla at five star.

Idinagdag pa nito na bawal din ang pagsusunog ng gulong bilang proteksiyon sa kalikasan.

AKSYON

BAGONG TAON

CITY ADMI

DEPARTMENT OF HEALTH

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

JESUS MARI MARZAN

MARZAN

PAPUTOK INJURY REDUCTION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with