^

Metro

Ex-police timbog sa kasong pagpatay

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Dinakip ng kanyang mga kabaro ang isang retiradong miyembro ng Manila Police District (MPD) sa pama­magitan ng warrant of arrest  na inisyu ng Manila Regional Trial Court kaugnay sa pagpatay sa isang 18-anyos na la­laking residente ng Tondo, Maynila noong Marso 13, taong kasalukuyan.

Kahapon, dakong alas 11:45 ng umaga nang ares­tuhin sa panulukan ng Roxas Blvd. at Katigbak St. sa Ermita, Maynila ng mga ta­uhan ng MPD-District Mobile Group-Mobile Patrol Unit ang suspect na si SPO2 Cre­senciano Martinez, 60, residente ng Dulo Isla Puting Bato,  Tondo.

Sinabi ni P/Insp. Edgar Reyes, hepe ng  MPD-DMPU na hawak ng isang Racquel Oligue, ang warrant of arrest mula sa Manila RTC Branch 37 nang ituro sa kanila ang akusadong pulis sa pagpatay sa anak nito na  si Fer­nando Oligue.

Naganap ang pama­maril noong Marso 13, 2011 at bi­nawian ng buhay noong Marso 17, sa Jose Reyes Memorial Medical Center.

Ayon sa ginang, nabanggit pa ng anak ang pangalan ng pulis na bumaril sa kanya kaya na­isampa ang reklamo sa MPD-Station2.

Habang nagpapatrulya ang mobile, pinara sila ng ginang at itinuro ang suspect na sakay ng kanyang kotse na agad namang pinahinto at inaresto.

Kinumpiska mula kay Martinez ang isang Llama cal. 45 na dala nito.

DISTRICT MOBILE GROUP-MOBILE PATROL UNIT

DULO ISLA PUTING BATO

EDGAR REYES

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

KATIGBAK ST.

MANILA POLICE DISTRICT

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

MARSO

MAYNILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with