BNG member todas sa kakosa
MANILA, Philippines - Patay ang 25-anyos na miyembro ng “Bahala Na Gang” nang ratratin ng bala ng kanyang kakosa sa Malate, Maynila, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang biktimang si Renato Zonito, residente ng #2102-Z Adriatico st., Malate, Maynila.
Pinaghahanap naman ng awtoridad ang suspect na si Restituto Sabado, alyas “Totet”, 55-60, at residente ng Barangay 704, Zone 77, Malate, Maynila.
Sa ulat ni SPO3 Richard Lumbad ng Manila Police District-Homicide Section, naganap umano ang insidente dakong ala-1:30 ng hapon sa harap ng bahay ng dalawang barangay kagawad na sina Digna Catamora at Jeff Friera, ng Brgy. 707, Zone 77.
Nakikipagkuwentuhan umano ang biktima sa mga kaibigan nang dumating ang suspect na armado ng di nabatid na kalibre ng baril at biglang ipinutok ng limang beses sa biktima bago tumakas.
- Latest
- Trending