^

Metro

2 salvage victims natagpuan

- Nila Rudy Andal at Mer Layson -

MANILA, Philippines - Dalawang lalaking hini­hinalang biktima ng sum­mary execution ang na­tagpuan sa San Juan kamakalawa ng gabi.

Ayon kay PO3 Jeffer Marcelo ng San Juan Police, dakong alas-11:00 ng gabi nang madiskubre ang bangkay ng mga di-kilalang biktima sa madilim na bahagi ng Brgy. Maytunas, San Juan.

Inilarawang nasa 20 hanggang 25 taong gulang lamang ang mga biktima at kapwa nakasuot ng denim pants.

Ang isa ay nakaitim na t-shirt habang ang isa ay nakaputi. Kapwa nakapiring ang mga mata ng mga ito na dinikitan pa ng elec­trical tape.

Sinabi ni Kagawad Peter Galindo na nagpapatrulya sila nang makatanggap ng tawag sa radyo na may natagpuang mga bangkay sa lugar.

Nakaposas ang mga biktima na hinihinalang miyembro ng Sputnik Gang dahil sa mga tattoo na natagpuan sa kanilang katawan.

Ang isa ay may tama ng bala ng baril sa kanang sentido habang ang isa ay may tama rin ng bala ng baril sa noo na siya nilang ikinasawi.

Naniniwala ang pulisya na pinahirapan muna ang mga biktima bago pinaslang dahil sa mga sugat at pasa na natagpuan sa katawan ng mga ito.

Sa naturang lugar na rin umano pinatay ang mga biktima matapos makarekober ng ilang basyo ng bala.

vuukle comment

AYON

BIKTIMA

BRGY

DALAWANG

JEFFER MARCELO

KAGAWAD PETER GALINDO

SAN JUAN

SAN JUAN POLICE

SPUTNIK GANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with