^

Metro

Day care center, library itatayo sa Parola

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Hindi matatawaran ang kaligayahan ng mga residente ng Parola matapos na ihayag ni Manila Mayor Alfredo Lim na isang day care center at library ang itatayo sa lugar para sa mga mahihirap na residente dito.

Kasama ni Lim sa ginanap na   ground-breaking ceremony kahapon sina chief of staff at media bureau director Ric de Guzman, city engineer Armand Andres, mga director ng city-run hospital na kinabibilangan nina Dr. Teodoro Martin (Jose Abad Santos General Hospital); Dr. Jun Cando (Ospital ng Tondo); Dr. Edwin Perez (Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center); Dr. Marlon Millares (Ospital ng Sampaloc) at Dr. Mario Lato (Ospital ng Sta. Ana).

Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ni Lim ang mga opisyal ng Lions Club International Foundation (LCIF) na pinangungunahan ni Manila Lions Club president Candy Pua at kalihim na si Rey Oriel kung saan kasama din ang mga Japanese counterparts, sa pangunguna ni Tokyo Lions Club president Kazuo Yamamoto at secretary Koki Moritoki, sa pagbibigay ng tulong upang maipatayo ang daycare center at library na makatutulong ng malaki para sa pag-aaral ng mga bata sa Parola Compound.

“Nakikita nating lahat ang pagmamahal ni Mayor Lim sa mga nangangailangan at ang dami ng kanyang ginawa at ginagawa pa para sa mahihirap kaya dapat lamang na siya ay tulungan ng mga private individuals.  Kami ay nagpapasalamat sa ibinigay niyang pagkakataon na makatulong din kami sa mga taga-lungsod,” ani Oriel.

ARMAND ANDRES

CANDY PUA

DR. EDWIN PEREZ

DR. JUN CANDO

DR. MARIO LATO

DR. MARLON MILLARES

DR. TEODORO MARTIN

OSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with