MANILA, Philippines - Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng isang 20-anyos na lalaki ang kanyang kasintahan nang makipag-break ang huli kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Dead-on-the-spot ang biktimang si Jenifer Jerodias, 18, ng Galino St., 11th Avenue, Caloocan City bunsod ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Isang malawakang manhunt operation naman ang isinasagawa ng pulisya laban sa suspect na si Jayson Bonza, nakatira sa nabanggit na lugar.
Sa imbestigasyon ng Station Investigation Division, Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-6:00 ng gabi sa bahay ng biktima sa nabanggit na lugar.
Lumilitaw na nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima at ang suspect nang ipasya ng una na makipaghiwalay na sa huli.
Hindi umano matanggap ng suspect ang pakikipag-break ng biktima kung kaya’t agad na nitong kumuha ng patalim at inundayan ng saksak ang biktima.