MANILA, Philippines - Mistulang patay na hayop lamang na nakalantad ang bangkay ng isang tinatayang 6-7 buwan na lalaking fetus na natagpuan sa tambakan ng basura sa Sta. Ana, Maynila, kahapon ng madaling-araw.
Sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-4:00 ng madaling-araw nang matagpuan ang fetus sa panulukan ng A.Francisco at Oro Sts., Sta. Ana, Maynila.
Naghahakot ng tambak na basura ang isang tauhan ng Leonel Waste Management nang mapansin ang fetus na may nakakabit pang pusod.
Ibinalot niya ito sa t-shirt at isinilid sa isang kahon bago ipinagbigay-alam sa barangay na siyang nagreport naman sa pulisya.