Koreano, computer shop hinoldap ng mga 'bagets'
MANILA, Philippines - Sumalakay ang grupo ng mga teenager nang pagnakawan ng mga ito ang isang Korean national at ang isang computer shop sa magkahiwalay na insidente sa Malate, Maynila.
Unang naganap ang pandurukot kay Oh Young Jae dakong alas-8:20 ng gabi habang naglalakad ito sa Manila Bay at lapitan ng mga kabataan na nagpanggap na pulubi.
Ayon sa pulisya, nabaling ang atensiyon ng biktima sa 12 batang humihingi ng limos, habang isa naman dito ang kumuha ng I-phone nito na nagkakalahaga ng US$800 o P35,000.
Nagulat na lamang ang biktima nang mapansing wala na ang kanyang mga personal na gamit.
Dakong alas-12:30 naman ng madaling araw nang holdapin din ng mga kabataan na armado ng baril ang AJ computer shop sa panulukan ng Singalong at Zapanta Sts.
Ayon sa report, sinabayan ng mga suspect na nasa edad 13 hanggang 15 ang malakas na buhos ng ulan at hinoldap ang computer shop na pag-aari si Maritess Juan. Nakuha din dito ang isang cellphone na nagkakahalaga ng P15,000 at P800 cash.
- Latest
- Trending