^

Metro

Kaso ng dengue sa MM tumaas

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Umaabot na sa halos 25,000 ang naitalang kaso ng dengue sa Me­tro­ Manila ngayong taon.

Base sa datos ng De­partment of Health (DOH) Center for Health Development sa National Capital Region, mas mataas ng 11 por­siyento ang dengue cases­ ngayong 2011.

Sa 24,359 na kaso ay 132 ang naitalang na­ matay kumpara sa na­italang kaso na 21,997 noong nakaraang taon sa period na Enero 1 hanggang Nobyembre 12.

Ayon kay Metro Ma­nila-DOH Regional Di­­rec­tor Dr. Eduardo Janairo, karamihan sa mga nagkasakit ay mga lalaki na mula bagong panganak hanggang 15 taong gulang.

Naitala naman ang pinakamaraming kaso ng dengue sa Quezon City kung saan nakapagtala ng 7,782 kaso, na sinundan naman ng Maynila na may 3,618 at 2,626 sa Caloocan.

Bunsod nito, muling pinayuhan ng opisyal ang publiko na palaging panatilihing malinis ang kanilang kapaligiran at regular na suriin ang mga sisidlan ng tubig na posibleng pangitlugan ng mga lamok na may dalang dengue. 

AYON

BUNSOD

DR. EDUARDO JANAIRO

HEALTH DEVELOPMENT

METRO MA

NATIONAL CAPITAL REGION

QUEZON CITY

REGIONAL DI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with