Binata dedo sa riding-in-tandem
MANILA, Philippines - Isang binata ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng dalawang hindi pa kilalang suspect na riding-in-tandem sa Pasig City, kamakalawa ng gabi.
Dead on the spot si Aries Tilag, 19, ng Pinagbuhatan, Pasig City bunsod ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Sa inisyal na imbestigasyon ni PO3 Rhustom Valdez, ng Station Investigation Detective Management Branch (SIDMB), dakong alas-11:00 ng gabi habang naglalakad pauwi ang biktima nang harangin ito ng dalawang suspect sa kanto ng Ipil-Ipil at Aselo St., ng nasabing lungsod.
Ayon sa report, tinanong pa ng mga suspect sa biktima kung siya si Aries at noong sumagot ito ng “oo” ay agad na pinagbabaril.
Matapos ang krimen ay agad na tumakas ang mga suspect sakay ng motorsiklong walang plaka.
Hindi pa batid ng pulisya ang motibo ng krimen at kung sino ang mga salarin na siyang subject ngayon sa isinasagawang follow-up operation.
- Latest
- Trending