^

Metro

4 katao nalitson sa sunog, 4 pa sugatan

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Apat katao ang patay ka­bilang ang isang sanggol nang sumiklab ang sunog mula sa pinaglaruang kan­dila ng mga bata sa lungsod Quezon kahapon ng ma­da­­ling araw.

Kinilala ni Supt. Bobby Baruelo, district Fire marshal, ang mga nasawi na sina Annie Joy Alcala; kapatid nitong si Alfred John, 10 buwang gulang; Jaypee Baflor, 25, at isa pang hindi natukoy na biktima.

Sugatan naman sina Ronnie Pangatuan, 23; Louie Spiel, 27; Mari­tes Cuneta, 27, at Jenny Somali, 28, matapos na makuryente at malapnos ang katawan sa mga naglalagablab na yero. Agad silang isinugod sa malapit na ospital.

Nangyari ang insidente sa squatters area sa may NIA Road, Brgy. Pinyahan ganap na alas-12:55 ng umaga­.

Nagsimula umano ang apoy sa bahay ng isang Ranillo Pangatuan sa no. A-100 NIA Road, nang biglang umapoy ang ikalawang palapag ng bahay nito kung saan naglalaro umano ng kandila ang apat na bata.

Dahil yari sa light materials ang bahay, mabilis na kumalat ang apoy hanggang sa tuluyang lamunin ito at madamay na rin ang mga kalapit bahay.

Umabot sa 500 kabahayan ang naabo kung saan natagpuan na lamang ang mga biktima sa loob mismo ng kanilang bahay na sunog na sunog ang katawan.

Ang biktimang si Baflor ay nagawa pang maitakbo ng rescue team sa East Ave­nue Medical Center pero hindi na rin umabot pa ng buhay.

Dala ng masikip na lugar, hindi kaagad naapula ng mga bumbero ang apoy, kung kaya umabot ito sa Task Force Charlie bago na­deklarang fire out ganap na alas-6:25 ng umaga.

Tinatayang aabot sa P7 milyon ang halaga ng pinsala sa naturang sunog.

vuukle comment

ALFRED JOHN

ANNIE JOY ALCALA

BOBBY BARUELO

EAST AVE

JAYPEE BAFLOR

JENNY SOMALI

LOUIE SPIEL

MEDICAL CENTER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with