Beybi tigok sa gatas ng ina

MANILA, Philippines - Hinihinalang nabarahan ang ilong nang masuka dahil sa sobrang nadede sa ina ang isang 3-buwang sanggol na babae na ikinasawi nito, sa Tondo, May­nila, kahapon ng umaga.

Sa ulat, napansin na lamang ng inang si Roseann na hindi na kumikilos at humi­hi­nga ang pinasu­susong si Joyce Ann Sar­miento, habang sila ay na­­ tutulog sa loob ng ka­nilang bahay sa Chiqui St., Isla San Juan, Gagalangin, Tondo, May­nila dakong alas-6:45 ng umaga.

Ayon sa ina, dakong ala-1:30 ng madaling-araw nang tumigil na sa pagdede sa kaniyang dibdib ang anak.

Hinihinalang napunta sa baga ang gatas o napasu­kan ng gatas ang ilong kaya hindi nakahinga ang sanggol.

Show comments