^

Metro

Roxas Boulevard isasara ngayon

-

MANILA, Philippines - Inaasahang magsisikiip ang daloy ng trapiko sa malaking bahagi ng Roxas Bou­ levard sa Maynila dahil isasara ito nga­yong araw para sa gaganaping pagtakbo para sa Ilog Pasig.

 Ang Run for Pasig River ay idaraos nga­yong Linggo, Nobyembre 20, kung kaya’t pinayuhan ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na umiwas sa nabanggit na lugar.

Ayon sa MMDA, isasara ang kahabaan ng magkabilang lane ng Roxas Boulevard mula sa panulukan ng Katigbak Street hanggang sa may P. Ocampo.

Sa mga maaapektuhan motorista, pi­nayuhan ang mga dumaraan sa North-bound lane ng Roxas Boulevard na kumanan na ng Buendia Avenue.?

Kumaliwa naman sa F.B. Harrison o dumeretso sa Taft Avenue para doon kumanan at maari ring dumiretso hanggang sa Osmeña Highway patungo na sa destinasyon.??

Sa mga magmumula naman ng Pier o Anda Circle at babaybay sa South-bound lane ng Roxas Boulevard, kailangang ku­maliwa na sa may P. Burgos pa lamang. Kumanan sa Maria Orosa, kanan muli sa T.M. Kalaw o pwede ring kuma­liwa sa may M.H. Del Pilar.? Kaliwa sa Quirino, kanan sa Mabini patungo na sa F.B. Harrison o sa Taft Avenue.

Samantala, magbibigay naman ng libreng sakay ang MRT at LRT para sa mga lalahok sa 11.20.2011 Run for Pasig River.

Ayon sa Department of Transportation and Communications (DOTC), ang libreng sakay ay mula alas-5:00 hanggang alas-9:00 ng umaga.

Kinakailangan lamang umanong ipa­kita ng mga participant para sa taunang fun run ang kanilang race bibs sa mga MRT at LRT stations upang maka-avail ng libreng sakay. (Lordeth Bonilla, Ludy Bermudo at Mer Layson)

ANDA CIRCLE

ANG RUN

AYON

BUENDIA AVENUE

DEL PILAR

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

ILOG PASIG

PASIG RIVER

ROXAS BOULEVARD

TAFT AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with