^

Metro

Binata utas sa 3 gangsters

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Todas ang isang 20-anyos na binata nang pagbalingan ng tatlong lalaking tinanggihan niyang ituro ang hinahanap na kaaway­ sa San Andres Bukid, Maynila, kamakalawa ng gabi. Dead on arrival sa Sta. Ana Hospital ang biktimang si Gerald Jaurigue, ng Radium St., San Andres, Maynila sanhi ng tama ng bala sa katawan.

Tinutugis pa ng mga awtoridad ang tatlong tumakas na suspect na kinilalang sina Joy Bauyon, 25; Jeremy Delica, 21 at kapatid nitong si Ricardo Delica, 23, pawang taga- San Andres, Maynila na tumakas matapos ang pamamaril. Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa harapan ng Ashiti sari-sari store sa kanto ng Zobel Roxas at Radium Sts., San Andres, Maynila.

Nabatid na dumating ang tatlong suspect at ang biktima ang napagtanungan kung saan matatagpuan ang kaibigan niya na sinasabing sumaksak naman sa kaibigan ng mga suspect. Ayaw umanong magsalita ang biktima kaya napikon ang isa sa tatlong suspect at pinutukan ang biktima bago mabilis na nagsitakas.

vuukle comment

ANA HOSPITAL

GERALD JAURIGUE

JEREMY DELICA

JOY BAUYON

MAYNILA

RADIUM ST.

RADIUM STS

RICARDO DELICA

SAN ANDRES

SAN ANDRES BUKID

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with