Parak inatake habang nagmomotorsiklo, patay

MANILA, Philippines - Inatake sa puso ang isang miyembro ng PNP na naka­talaga sa Camp Crame, Que­zon City habang sakay sa kaniyang motorsiklo sa bahagi ng Ermita, Maynila kahapon ng madaling-araw. Hindi na umabot ng buhay sa Ospital ng Maynila si PO3 Romeo Mendoza, Sr., 50, ng Block 24, Lot 17 Blue Seal Sto, Tomas, Batangas at naka­talaga sa Police Security­ and Protective sa Camp Crame, Quezon City. Dakong alas-4:00 ng mada­ling-araw nang maganap ang insidente, ma­lapit sa Finance building sa Maria Orosa St., Ermita, May­nila. Napansin siya ng isang Romualdo Reyes, na bumagsak kaya ipinabatid sa nagpapatrulyang pulis na nagdala sa pagamutan.

Show comments