^

Metro

Aktor na si Alfred Vargas, ninakawan ng kasambahay

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang 56-anyos na babaeng helper sa bahay ni Quezon City councilor at actor na si Alfred Vargas ang inaresto ng mga awtoridad makaraang tangkain nitong tangayin ang vault na naglalaman ng mga importanteng bagay ng huli sa lungsod Quezon kamakalawa.

Ang suspect ay kinilalang si Clarita Florida, stay in helper sa bahay ng aktor sa   Don Antonio Heights, Brgy. Holy Spirit sa lungsod.

Ayon sa pulisya, si Florida ay naaresto matapos na masabat ng personnal assistant ng aktor na si Helen Lagaras habang itinatakas ang vault sakay ng isang taxi.

Sa pagsisiyasat, nagawang tangayin ni Florida ang vault matapos na maiwan itong mag-isa sa bahay ng aktor pasado alas-6 ng gabi.

Sinasabing pagkalabas ng suspect sa vault ay isina­kay niya ito sa taksi, subalit ha­bang papalayo ay naispatan ang una ni Lagaras dahilan para habulin siya nito at pigilan.

“Pagkalabas po ng taxi, may motor pong dumating hinarang ko po. Nakiangkas po ako at hinabol namin hanggang gate, tapos sinabi ko po sa mga guwardiya na huwag silang papalabasin,” sabi ni Lagaras.

Matapos nito, agad na ti­na­wagan ni Lagaras ang among si Vargas saka ipinabatid ang naturang pangyayari, saka hu­mingi ng tulong sa himpilan ng Police Station 6 at inaresto ang suspect.

Unang sinabi ni Florida na nabiktima siya ng ‘Dugo-dugo gang’, kaya niya nagawang kunin ang vault dahil may tumawag sa kanya at sinabihan siyang ang kanilang boss ay nasangkot sa vehicular accident at nangangailangan ng pera para sa hospital bills.

Subalit, ayon kay Senior Insp. Roberto Razon, hepe ng Intelligence Unit ng PS6, may nakita silang mga pagka­kamali sa naging pahayag ng suspect nang kanilang im­bes­tigahan sa harap ng kanyang abogado, hanggang sa aminin umano nito na nangangaila­ngan siya ng pera sa probinsya.

Nabatid na ang vault ay nag­lalaman ng assorted jewelries at mga mahalagang dokumento na pag-aari ng nasabing aktor. Inihahanda na ang kaso laban sa suspect.

vuukle comment

ALFRED VARGAS

CLARITA FLORIDA

DON ANTONIO HEIGHTS

HELEN LAGARAS

HOLY SPIRIT

INTELLIGENCE UNIT

LAGARAS

POLICE STATION

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with