1 pang Dominguez itinuro sa carjack

MANILA, Philippines - Itinuro ng isa sa mga suspect na naaresto sa isang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Quezon City Police District at Highway Patrol Group sa Calumpit Bulacan ang isang Ryan Dominguez, kapatid nina Raymond at Roger Dominguez, na siyang utak sa kanilang carjacking operation.

Si Ryan ay patuloy na pi­naghahanap ng mga awtoridad. Nauna rito, naaresto ng tropa ang mga suspect na sina Arnel Torres, Antonio Garcia at Romnick Estrella, sa isang operasyon sa isang warehouse sa Calumpit Bulacan, noong nakaraang Martes ganap na alas-3 ng hapon.

Ayon kay Superintendent Ferdinand Villanueva, hepe ng Anti-Carnapping Unit ng QCPD, sa ginawa nilang in­te­rogasyon ay inamin ni Torres na ang nagplano ng lahat ng kanilang iligal na gawain ay si Ryan, nakakabatang ka­patid nila Roger at Raymond Dominguez, at kasamahang si Rolando Talban.

Si Talban, kilala umanong tauhan ng magkapatid na Ray­mond at Roger na naka­piit nga­yon dahil sa brutal na pag­patay sa car dealer na si Venson­ Evangelista, ay pa­tuloy na pinaghahanap ng pu­lisya.

Show comments