Operator ng 'killer caterpillar', kinasuhan

MANILA, Philippines - Sinampahan na ng ka­song kriminal ng Valenzue­la City Police ang ope­­ra­tor ng kumalas na ca­ter­pillar ride sa isang peryahan na nagresulta ng pagkasawi ng isang lalaki at malubhang pagkasugat sa 14 pang ka­tao noong Nobyembre 9 sa naturang lungsod.

Kasong homicide at multiple serious physical injuries through reckless imprudence ang isinampa ng Valenzuela Police laban kay Nicolas Refuer­zo, alyas Machete.

Nabatid na nadakip ng pulisya si Refuerzo nitong nakaraang Lunes sa isang operasyon sa pinagtatagu­ang lunga nito sa ilalim ng tulay sa may North Bay Boulevard, sa Navotas City.

Matatandaan na nasa­wi sa naturang insidente ang 43-anyos na si Neil Rafol nang kumalas ang sinasakyan nilang caterpillar coach nang maipit ito sa bakal matapos na pumailalim. Nag-panic naman ang ibang mga sakay ng caterpillar sanhi upang 14 ang masaktan sa naturang peryahan sa may Brgy. Ka­ruhatan, Va­len­zuela.

Sinasabing lasing umano si Refuerzo nang i-operate nito ang caterpillar ride. 

Nabatid naman na wa­lang kaukulang permit ang natu­rang peryahan buhat sa Valenzuela City Hall at may permiso lamang na galing sa Karuhatan Barangay Hall sa pamumuno ni Chairman Nicomedes Caco. Patuloy namang pinaghahanap pa ng pulisya ang may-ari ng naturang peryahan na kasama ring kakasuhan sa insidente.

Show comments