^

Metro

Pekeng BFP inspector timbog

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Muling nagbabala ang pamunuan ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa publiko lalo na sa mga may-ari ng establisimento na mag-ingat laban sa mga taong nagkukunwaring inspector ng kanilang kagawaran upang makapangloko o gumawa ng iligal na transaksyon.

Aksyon ito ni Chief Supt. Santiago Laguna, regional director ng BFP-NCR, matapos na maaresto ang suspect na si Lorenzo Navarro, dating miyembro ng Makati City Fire Department sa aktong iligal na nakikipag-transaksyon sa isang gusali sa Makati city.

Ayon kay Laguna, matagal na silang nakakatanggap ng impormasyon at nagbabala kaugnay sa iligal na gawain ng ilang dating opisyal ng BFP para lamang kumita ng pera na nagiging malaking kasiraan sa kanilang hanay.

Nag-ugat ang pag-aresto sa mga suspect nang makatanggap ng reklamo ang Makati City Fire Station mula sa mga guwardiya ng First Philippines Insurance Inc, sa 7th floor DCLB Leviste St., Salcedo Village, Makati City kaugnay sa pekeng fire safety inspector na nasa kanilang gusali. Agad na rumisponde ang mga tauhan ng Makati Fire Department sa nasabing gusali para kumpirmahin ang reklamo, hanggang sa maabutan nila si Navarro na nagpakilalang Fire Safety Ins­pector ng Makati City Fire kasama ang isang nagngangalang Malto.

Katwiran ni Malto, inupahan ni Navarro ang kanyang owner type jeep para magdeliver ng mga fire extinguisher sa kanilang prospective client.

Nang imbestigahan si Na­ varro, inamin nito na hindi na siya konektado sa BFP at inalis na siya sa roster nito subalit nakikipagtransaksyon pa rin ng negosyo sa may-ari ng gusali. Sinasabing pinapa pull-out ni Navarro ang fire extinguisher ng nasabing gusali para umano ma-refill. Sa puntong ito, dumating na rin ang Makati City Police at dinakip si Navarro saka dinala sa kanilang himpilan para masampahan ng kaukulang kaso.

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CHIEF SUPT

FIRE

FIRE SAFETY INS

FIRST PHILIPPINES INSURANCE INC

LEVISTE ST.

LORENZO NAVARRO

MAKATI

MAKATI CITY

NAVARRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with